Sikat na rapper na si Snoop Dogg magiging Paris Olympics special correspondent para sa NBC
Inanunsiyo ng US broadcaster na NBC, na magiging special reporter nila para sa Paris Olympics ngayong taon, ang kilalang rapper na si Snoop Dogg.
Sa isang pahayag ay sinabi nito, “I grew up watching the Olympics and am thrilled to see the incredible athletes bring their A-game to Paris. It’s a celebration of skill, dedication, and the pursuit of greatness… We’re going to have some amazing competitions and, of course, I will be bringing that Snoop style to the mix. It’s going to be the most epic Olympics ever, so stay tuned.”
Sinabi ng vice president og Olympic production ng NBC na si Molly Solomon, “ Snoop’s commentating on dressage at the Tokyo Olympics had gone viral and ‘earned Snoop a job as our Special Correspondent in Paris.’ We don’t know what the heck is going to happen every day, but we know he will add his unique perspective to our re-imagined Olympic primetime show.”
Sa isang ipinalabas na video, ay makikita na kinakapanayam ng rapper ang American athletes kabilang ang gymnast na Suni Lee at skater Jagger Eaton, gamit ang kaniyang ‘signature style at humor.’
Nagsimulang maging isang Olympic consultant si Snoop Dogg sa Tokyo Games noong 2021, na ang mga obserbasyon ay naging ‘overnight viral sensations.’
Sa isa namang video na naipost sa social media nito noong Lunes, makikita si Snoop Dogg na nagsasayaw sa harap ng Eiffel Tower sa saliw ng isang rap music.
Ang kasikatan ni Snoop Dogg ay nagsimula noong unang bahagi ng 1990s, nang ang kanyang debut solo album na “Doggystyle,” na ang nag-produce ay si Dr. Dre, ay nag-debut sa top spot ng hit albums chart.