Siklista na si Allan Bandiola humarap na sa publiko at sa pagdinig sa senate committee on public order kaugnay sa naganap na road rage

Sa kauna-unahang pagkakataon, humarap na sa publiko ang siklista na si Allan Bandiola na tinutukan ng baril ng dating pulis na si Willy Gonzales sa Quezon City.

Sa pagdinig ng senate committee on public order, inamin ni bandiola na tatlong beses niyang tinapik ang sasakyan ni Gonzales dahil nagitgit siya sa Bike lane sa Welcome Rotonda.

Kapag hindi niya raw kasi ito ginawa maaaring siya ang masagasaan at bumagsak o tamaan niya ang mga nag-aabang na pasahero sa kalsada.

Tanong ni senador JV Ejercito “gaano kalakas ang tapik mo sa kotse?”


Sagot naman Bandiola.. “Ang tapik ko po ganun lang… Siguro nakatatlong pukpok po ako sa gilid para ma-caught ko attention niya na… o nagigitgit mo na ko!”

Nang maka-abante, nilagpasan niya na si gonzales at balak nang umuwi pero hinabol siya ng dating pulis at dahil sa traffic naabutan siya nito.

Kita aniya sa CCTV footage na papasok sana siya sa bike lane, pero hinarang siya ni Gonzales kaya bumangga siya sa gilid ng kotse nito

Nagulat siya nang bumaba ito ng sasakyan, bigla syang sinapak at nagulat siya nang kasahan sya nito ng baril.

“Ang nangyari doon lumabas si Gonzales bigla niya ‘kong sinapok normal lang po siguro sa atin na kahit sinong sapukin magre-react po talaga kinasahan niya ko ng baril bumunot siya hinila nya bisikleta ko kasi kala niya tatakas ako.” pahayag pa ni Bandiola

Ilang bikers at security guard ang tumulong sa kanya at pinasabihan siyang huwag nang sumagot dahil may baril si Gonzales

Sabi ni Bandiola nagpunta sila sa police station para kapwa magreklamo

Hindi na inaresto si Gonzales dahil wala raw nakitang baril sa kanya ang mga imbestigador

Pero nang humupa na ang tensyon nagkapatawaran na sila at nangako siyang babayaran ang danyos.

Pero hiniling niya sa mga pulis na protektahan ang kanyang segruidad at kanyang pamilya

“Napag-isip-isip ko kako malaking abala na sakin una walang kasama anak ko sa bahay wala naman mawawala sa akin kung magpapakumbaba ako tutal wala naman nangyari sa kain kinausap ko magkano ho ba babayaran kotse na ganyan… nang nagkasundo kami nagkamay kami ako wala na po ako galit sa kanya napatawad ko na sa siya napatawad ko na siya nagkamay na kami nagyakapan. “ tuloy na pahayag pa ni Allan Bandiola

Nang tanungin si Gonzales ng mga senador, inamin niya na hinabol niya si Bandiola dahil nayupi ang kaniyang sasakyan..

Nag-init raw ang ulo nya at hinabol si Bandiola at tinutukan ng baril dahil bukod sa bangga sa kaniyang bumper, sinuntok nito ang bubong ng kanyang kotse, minura at nag dirty finger sa kanya.

Hindi nakumbinsi ang mga senador dahil taliwas sa video footage ang mga pahayag ni Gonzales.

Pati tuloy ang mga kasong kinasangkutan ni Gonzales habang ito ay nasa serbisyo inungkat ng mga mambabatas

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *