SIM registration extension suportado ng Marcos eco team
Kinikilala ng mga economic managers ng Marcos administration ang importansya ng subscribers identification module o SIM registration.
Sa harap ito ng nalalapit na deadline sa April 26 para sa pagpaparehistro ng mga SIM cards.
Partikular na tinukoy ng mga economic managers ang mahalagang papel ng SIM registration para sa paglipat ng bansa sa digital payments.
“Digital payments are what we need to happen to further promote and develop our MSMEs because that’s how they can facilitate accessing the market and being able to sell online,” paliwanag ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual sa news briefing sa Malacañang.
Ang Department of Trade and Industry suportado ang panawagan para sa extension ng SIM registration.
Pero sinabi ni Pascual na nasa pagpapasya ito ng kagawarang nangangasiwa sa implementasyon ng batas.
Sa personal na pananaw ni Pascual, isang “major concern” kung ipapatupad ang deadline at hindi lahat ng SIM cards ay maire-rehistro.
“If we really need registration, we need to be able to accommodate such a deadline,” dagdag pa ng kalihim.
Para naman kay National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, pabibilisin ng SIM registration ang digital economy ng bansa.
Kabilang na aniya dito ang public sector engagement ng pamahalaan.
“[SIM registration will] ensure the benefits that we are providing and these benefits are targeted for the vulnerable and the poor,” sabi ni Balisacan.
Hinihiling ng mga telecommunications companies sa Department of Information and Communications Technologies (DICT) na palawigin ang April 26 deadline para mabigyang pagkakataon ang maraming subscribers na mai-comply ang mga requirements para sa SIM registration.
Sabi ng DICT mayroon silang karapatan na i-extend ng hanggang 120 araw ang SIM registration gaya ng itinatadhana ng batas, ngunit wala ito sa konsiderasyon ngayon ng kagawaran.
Weng dela Fuente