SIM registration umabot na sa higit 17M – NTC
Aabot na sa mahigit 73-milyon ang nai-rehistrong SIM cards ilang araw bago ang registration deadline sa April 26.
Sa ulat ng National Telecommunications Commission (NTC) may kabuuang 73,033,000 o 43.4% ng SIM cards na naipagbili sa merkado ang nai-rehistro na.
Sinabi ni NTC Commissioner Jon Paolo Salvahan na sa mga nakaraang araw ay naobserbahan ang sharp increase sa bilang ng mga nagrerehistro.
Nakikipagtulungan naman aniya ang NTC sa iba pang ahensya ng gobyerno at local government units (LGUs) para sa pagse-set-up ng SIM registration facility sa mga remote areas.
Sa mga hindi makapagrehistro ng SIM cards dahil sa kakulangan ng Identification Cards or IDs, pinayuhan ng NTC official ang mga ito na kumuha ng Barangay ID, na pinakamadali sa tala ng 17 valid IDs na tinukoy.
Bagama’t umaapela pa rin ng extension sa SIM registration deadline ang tatlong pangunahing telecommunications companies sa bansa, wala pa ring desisyon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ukol dito.
Weng dela Fuente