Sinermunan ni Senador Cynthia Villar ang mga opisyal ng Department of Agriculture sa budget hearing sa Senado.
Kinukwestyon ng Senador ang 10 billion na pondo ng DA para sa importasyon ng mga fertilizer.
Bakit aniya mag-iimport ng fertlizer kung maaari namang pondohan ang pagbili ng mga composting facility para makagawa ng organic fertilizer mula sa mga kitchen waste
“Hindi ko ma-imagine na gagasta tayo ng 10b for organic fertilizer na masama naman sa soil natin 38 percent of the soil of the Philippines are degraded eh ang dami dami nating basura kitchen and garden waste comprise 50 percent of our waste nagkalat lang yan.” pahayag ni Senador Cynthia Villar
Inihalimbawa ng Senador ang Las Pinas na nakapag-produce ng 89 tonelada ng fertilizer mula sa mga balat ng gulay at tirang pagkain na ipinamimigay sa mga magsasaka at mga urban gardeners.
Bukod sa libreng fertilizer, nakakatipid aniya ang local government unit ng 300 million kada taon para sa pagtatapon ng basura.
“Noong araw tayo pinakasikat pero ngayon talong-talo na tayo. Yung mga articles na nare-read ko talo na tayo ng Vietnam, talo na tayo ng Thailand, talo na tayo ng Indonesia, bakit? Bobo ba tayo na tatalunin tayo ng lahat? ha? O mahilig lang tayo mag-import kaya hindi natin nadedevelop yung ating sarili.” paliwanag pa ng mambabatas.
Batay aniya sa pag aaral ng Philrice, ang fertilizer na na-produce sa pamamagitan ng mga composting facility maaari nang gamitin sa mga palayan at dadagdagan na lang ng animal manure.
May mga lokal na kumpanya na anya sa Plipinas na handang bumili at i-proseso ang mga animal manure para gawing pataba pero nakapagtatakang ang DA mas gusto pang umangkat sa ibang bansa.
“Bakit tayo mag-iimport? Ba’t hindi natin bilhin yung ating sarili? Para nabibigyan natin ng trabaho yung kapwa natin Pilipino na naghihirap.” dagdag pa ng mambabatas
Meanne Corvera