Sinner, wagi sa U.S. Open
NEW YORK, Sept 8 (Reuters) – Normal na ginagamit ni Jannik Sinner ang malakas niyang serve, on-court speed at rocket forehand upang talunin ang kaniyang kalaban, ngunit sinabi ng world No.1 na ang “mental part” ng kaniyang laro ang espesyal na mahalaga sa kaniyang goal para sa U.S. Open title ngayong taon.
Lumabas ang balita tungkol sa dalawang “failed” doping tests ilang araw lamang bago ang final major ngayong taon, at bagama’t napawalang-sala sa anumang kamalian ng isang independeng tribunal, ang isyu ay patuloy na nagpalabo sa isang dream season, kung saan una na siyang nakakuha ng limang titulo kabilang ang una niyang major sa Australian Open.
Sinabi ni Sinner, “I understood, especially in this tournament, how important the mental part is in this sport.’
Dinaig ni Sinner ang 12th seed na si Taylor Fritz sa score na 6-3 6-4 7-5 sa kanilang laban na tumagal ng 135-minuto.
Ang 23-anyos ang naging unang Italian man na nakakuha ng isang U.S. Open singles title, at pinakabatang lalaki rin sa ngayon na nagwagi kapwa ng hard-court Grand Slam titles sa isang single season, nang manalo siya sa Melbourne at New York.
Hindi sigurado kung tatanggapin siya ng mga tao sa Flushing Meadows o tutuyain, matapos sabihin ng ilang media at ng kasalukuyan at dating mga manlalaro na nakatanggap ng paborableng pagtrato ang world No. 1.
Sinabi ni Sinner na umaasa siya sa kaniyang pamilya at sa kanyang training team para “alisin” ang mga distraction.
Aniya, “The general reaction of the players was quite positive, even when things came out. Then there have been, of course, some different voices.”
Ang mga post sa social media mula sa dating top-10 player na sina Denis Shapovalov at Australian Nick Kyrgios ay partikular na malupit, habang ang 19 na buwang doping ban pagkatapos ng exoneration ng dating doubles British No. 1 na si Tara Moore, ay lalong nagpasiklab sa debate tungkol sa isang double standard.
Ayon kay Sinner, “With my family and team and everyone who supports me daily, I always try to stick together with them especially when moments are getting difficult and tough.”
Aniya, “It was and still is a little bit in my mind. It’s not that it’s gone. But when I’m on court I try to focus on the game and try to handle the situation in the best possible way.”