“Siony” tinatayang tatama sa lupa sa bahagi ng extreme Northern Luzon sa Biyernes, Nov. 6.
Sa Biyernes, Nov. 6 tinatayang tatama sa lupa si “Siony.”
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, ang nabanggit na tropical storm ay natunton 605 kilometro sa silangan ng Basco, Batanes, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 80 kilometro bawat oras.
Mabagal itong kumikilos patungo sa kanluran, at tinatayang lalakas at magiging isang severe tropical storm bukas, Mierkoles, at magiging typhoon sa Huwebes, bago mag-landfall sa Batanes-Babuyan Group of Islands.
Ayon sa PAGASA, si “Siony” ay patuloy na bumababa pa-kanluran sa ibabaw ng Philippine Sea, silangan ng extreme Northern Luzon.
Tinatayang dahan dahan itong papasok sa isang “quasi-stationary state” sa susunod na 36 na oras.
Pagkatapos, ang tropical storm ay kikilos sa pangkalahatan patungo sa at malamang na manatili sa loob ng isang tropical storm category sa susunod na 36 na oras.
Mamayang gabi hanggang bukas ng umaga, ang magkasamang epekto ng northeasterlies at trough ng Tropical Storm “Siony” ay magdadala ng mahina hanggang katamtaman at minsan ay malakas na mga pag-ulan sa Batanes, Apayao, Cagayan, at Isabela.
Ang northeasterlies na pinalakas ng Tropical Storms “Rolly” at “Siony” ay magdadala ng malakas hanggang near gale conditions na may mataas na pagbugso sa Batanes, Babuyan Islands, at sa hilagang bahagi ng Cagayan at Ilocos Norte.
Ayon sa PAGASA, ang pinagsamang epekto ng “Rolly”, “Siony,” at ang enhanced northeasterlies ay magdadala ng rough to very rough seas sa buong baybaying dagat ng Northern Luzon at kanlurang baybaying dagat ng Central Luzon.
Liza Flores