Sistema sa pagbili ng armas ng Armed Forces of the Philippines nais ipabusisi sa Senado

Hiniling na ni Senador JV Ejercito na maimbestigahan ng Senado ang sistema o proseso ng pagbili ng mga kagamitan ng Armed Forces of the Philippines.
Kasunod ito nang pagbagsak ng isang huey helicopter ng Philippine Air Force sa Tanay, Rizal na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong sundalo.
Nais tignan ni Ejercito ang sistema ng AFP sa harap ng mga ulat na luma at mga recondition na ang binibilng gamit ng sandatahang lakas.
May hinala si Ejercito na ipinipilit na lang ng Department of National Defense sa AFP ang mga bibilhin kagamitan at hindi talaga naayon sa pangangailangan ng mga sundalo.
Kasama aniya sa dapat imbestigahan kung may nagaganap na anomalya sa pagbili ng mga huey heicopter at iba pang armas ng AFP.
Ulat ni: Mean Corvera