Sixth seed na si Jabeur dinaig ng 16-year-old na si Andreeva
Dinaig ng 16-year-old Russian player na si Mirra Andreeva ang sixth seed na si Ons Jabeur, makaraang magpamalas ng “kamangha-manghang” tennis nang wala pang isang oras, na nagpatalsik sa Tunisian sa ikalawang round ng Australian Open.
Sa paglalaro ng kanyang unang torneo sa Melbourne Park, “electrifying” ang ginawang pagpapabagsak ni Andreeva sa three-time major runner-up sa score na 6-0, 6-2 sa kanilang laban na ginanap sa Rod Laver Arena, na tumagal lamang ng 54 minuto.
Ito ang unang panalo ng ranked 47 Russian player, laban sa isang top-10 player, matapos umabot sa pagiging qualifier noong isang taon sa fourth round sa Wimbledon.
Sinabi ni Andreeva, “I was really nervous before the match because I am really inspired by Ons and the way she plays. Before I started to play on the WTA tour I always watched her matches. In the first set I showed amazing tennis, I honestly didn’t expect that from myself.”
Dagdag pa niya, “I just wanted to play on this big court for the second time and just to enjoy the tennis and the time, and I did. I feel like I am a bit more mature than I was before. Over this year I think I have changed a lot of and I think you can see that on the court.’
Si Andreeva ay naglaro rin sa centre court noong isang taon nang umabot siya sa girls final, ngunit natalo sa kapwa niya Russian na si Alina Korneeva.
Ang unang set ay isang 20-minute demolition job laban sa 29-anyos na si Jabuer. Si Andreeva ay nakakuha ng walong puntos sa buong anim na games, tatlo mula sa baseline, at nakagawa rin ng 10 unforced errors.
Ginawa ni Andreeva ang kanyang Grand Slam bow sa French Open noong nakaraang taon, matapos dumaan sa qualifying, bago ang kaniyang mga laro sa Wimbledon.
Sa isa pa niyang Grand Slam, ay natalo siya sa second round ng US Open sa champion na si Coco Gauuf.
Pinaghandaan ni Andreeva ang Melbourne sa pamamagitan ng pagpasok sa quarter-final ng una niyang WTA Tour sa Brisbane International.
Si Mirra ay nakababatang kapatid ng isa pang professional tennis player na si Erika Andreeva.