Siyam ang patay at daan-daan pa ang nagkasakit ng diarrhea sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette
Siyam na ang namatay at daan-daang iba ang nagkasakit ng diarrhea sa mga lugar na hinagupit ng bagyong Odette noong Disyembre, at nagbabala ang aid officials ng isang health crisis dahil milyun-milyon ang walang malinis na pagkain at inumin.
Tatlong linggo makalipas tumama ng bagyong Odette sa southern at central parts ng bansa, na nagwasak sa libu-libong tahanan at ikinasawi ng higit 400 katao, nagpapatuloy ang relief works para magdeliver ng supplies sa na-stranded na mga residente na nawalan ng tahanan dahil sa bagyo.
Ayon sa regional office ng health department, siyam katao ang nasawi sanhi ng dehydration dulot ng diarrhea sa Dinagat Islands at sa katabing resort island ng Siargao, na kilalang surf spot.
Sinabi ng regional health department spokesman Ernesto Pareja, na kabuuang 895 kaso ang naitala mula nang tumama ang bagyo, na karamihan ay sa kalipunan ng mga nawalan ng tahanan, habang nagkukumahog ang aid agencies na magtayo ng emergency water treatment facilities.
Ayon kay Pareja . . . “It’s hard to say it’s under control. The water supply remains irregular. Their food needs have not been addressed.”
Nagbabala naman ang International Federation of Red Cross at Red Crescent Societies (IFRC) ng isang “mounting health crisis” sa mga lugar na tinamaan ng bagyo habang pinaiigting ang kanilang disaster response.
Pahayag ni IFRC Head of Philippine delegation Alberto Bocanegra . . . “It is extremely concerning that people have been getting very sick and even dying in areas smashed by this typhoon. It left millions without access to clean drinking water, hospitals and health facilities.”
Bagama’t pinuri ng United Nations World Food Programme (WFP) ang ginawang paghahanda ng gobyerno sa bagyo at mabilis na pagresponde, kinakailangan pa rin anila ng dagdag na suporta.
Ayon kay WFP Country Director at Representative Brenda Barton . . . “Unless we act now and provide badly needed food assistance to affected families, we risk seeing a rapid rise in preventable malnutrition.”
Hinimok naman ni Pareja ang donors at aid agencies na ipagpatuloy ang kanilang ginagawa.
Aniya . . . “To all our partners, we hope they will not stop the flow of aid. The situation remains unstable.
Samantala, minomonitor din ng local health officials ang respiratory infections, matapos madiskubre ang dalawang kaso ng Covid-19.