Siyam na libong katao inilikas sa northeast Canada dahil sa wildfires
Humigit-kumulang sa siyam na libong katao ang inilikas sa northeastern Canada dahil sa pananalasa ng wildfires.
Sinabi ni provincial fire duty officer Jeff Motty, na ang mga residente sa mga bayan ng Labrador City at Wabush sa Newfoundland at Labrador province ay inatasang lisanin na ang kanilang bahay.
Ayon kay Motty, “We are seeing extreme fire behaviour out there. The fire is moving about 50 meters per minute.”
Kuwento ng isang residente ng Labrador City na si Stacy Hunt, “It was quite a shock to see that much smoke. And it’s been in pretty much the same place for hours now.”
Kinailangang lumikas ng mga residente ng mahigit 500 kilometro (310 milya) sa silangan sa pamamagitan ng nag-iisang kalsada sa lugar.
Sinabi ni Motty, “The intensity of the fire made it impossible to use water bombers.”
Sa kasalukuyan, ang Canada nakikipaglaban sa 575 active fires na mahigit sa 400 ang ikinukonsiderang out of control.
Maraming sunog ang sumiklab nitong nagdaang mga araw, partikular sa kanlurang bahagi ng bansa na nakararanas ng heat wave.