Siyam na-trap sa landslide sa isang minahan ng ginto sa Turkey
Daan-daang Turkish rescuers ang nagsagawa ng search and rescue operation, para sa siyam na manggagawa sa isang minahan na nilamon ng malaking landslide na tumama sa kanilang open pit.
Sinabi ni Interior Minister Ali Yerlikaya, na wala pang balita sa siyam sa 667 mga empleyado ng minahan, na nasa isang liblib na distrito ng Ilic district sa eastern Erzincan province.
Ayon kay Yerlikaya, “We installed our (rescue) vehicles, our generators, and our night lighting equipment. We have only one wish: to be able to give good news to the families of these brothers.”
Sabi ng mga eksperto at mga lokal na opisyal, nagiging kumplikado ang paghahanap dahil sa pagkakaroon ng cyanide sa lupa, isang lubhang nakalalasong chemical compound na ginagamit upang kumuha ng ginto mula sa ore.
Ayon kay Basaran Aksu, kinatawan ng Independent Mining Labour Union, “Cyanide soil collapsed at the site so specialist equipment would be needed in the search. The work may take a very long time because of the cyanide field.”
Ang nabanggit na cyanide field ay napaulat na isa sa pinakamalaki sa Turkey.
Ang lalawigan ay nasa northern bank ng Karasu River, isang major tributary ng Euphrates, na dumadaloy mula Turkey hanggang Syria at Iraq.
Sinabi ng environment ministry na isinara na ang isang stream na dumadaloy mula sa open pit upang maiwasang makontamina ang Euphrates.
Ang open pit mine ay tinangkang isara ng environmental activists at mga lokal na opisyal noong 2022 makaraan ang nangyaring cyanide leak.
Ang planta ay ilang buwang sarado ngunit muling binuksan matapos magbayad ng multa ang operator nito, na nagresulta sa reklamo mula sa opposition parties sa Turkey.
Si Cemalettin Kucuk, isang engineer na co-author ng isang report tungkol sa kaligtasan ng minahan, nang mga panahong humihingi ng permiso ang may-ari nito na palawakin pa ang kapasidad ng minahan ay nagsabing, “the soil was filled with stone fragments containing cyanide. We are talking about a mountain weighing millions of tonnes. We have warned about this many times.”
Ipinaliwanag naman ni Mehmet Torun, dating pangulo ng Chamber of Mining Engineers, na ang malaking tumpok ng lupa na dumudulas patungo sa ilog Euphrates River ay may cyanide at sulfuric acid.
Babala ni Torun, “For years, that mountain was being blown up, gold extracted from it…. and the waste was piled aside like a mountain of garbage. Now this huge mass, bathed in cyanide, flows towards the Euphrates River.”
Sinabi ng Anagold, isang pribadong kompanya na nagpapatakbo sa Ilic mine, na gumagawa na sila ng paraan upang mabawasan ang epekto ng “masakit” na pangyayari.
Ayon sa pahayag ng Anagold, “We will mobilise all our means in order to urgently shed light on this incident.”
Samantala, apat na public prosecutor ang inatasan ng justice ministry upang imbestigahan ang operasyon ng minahan.
Ang Turkey ay lantad sa nakamamatay na mga landslide at dumanas na ng sunod-sunod na mining accidents sa nakalipas na mga dekada.
Noong Oktubre 2022, 42 katao ang namatay sa pagsabog ng methane sa isang coal mine sa northwest Turkey.