Siyam patay sa paghagupit ng bagyo sa Bangladesh
Siyam katao ang nasawi matapos hagupitin ng cyclone ang Bangladesh, at naging sanhi ng sapilitang paglikas ng halos isang milyong katao mula sa kanilang tahanan.
Ang cyclones — katumbas ng hurricanes sa Atlantiko o mga bagyo sa Pasipiko — ay isa nang karaniwang panganib ngunit sinabi ng mga siyentipiko na ang climate change ang malamang na sanhi upang maging mas madalas ang mga ito at mas matitindi.
Ang Cyclone Sitrang ay naglandfall sa southern Bangladesh nitong Lunes, ngunit nagawa ng mga awtoridad na ilikas sa ligtas na lugar ang halos isang milyong katao bago pa ito tumama.
Sinabi ni Jebun Nahar, isang opisyal ng pamahalaan, “Nine people have died, most by trees falling including three from one family in (the eastern district of) Cumilla.”
Ayon naman kay Disaster Management Ministry secretary Kamrul Ahsan, “People evacuated from low-lying regions such as remote islands and river banks were moved to thousands of multi-storey cyclone shelters. They spent the night in cyclone shelters.”
Binayo ng malalakas na mga pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa, na nagdulot ng pagbaha sa mga siyudad gaya sa Dhaka, Khulna at Barisal — na nakaranas ng 324 millimeters (13 inches) ng ulan nitong Lunes.
Ang nasa 33,000 Rohingya refugees mula sa Myanmar, na kontrobersiyal na inilipat sa isang storm-prone island sa Bay of Bengal mula sa mainland, ay inatasang manatili sa loob ng kanilang tinutuluyan. Wala namang napaulat na nasawi o napinsala ayon sa mga opisyal.
Sa katabi namang eastern Indian state ng West Bengal, libu-libong katao rin ang inilikas at dinala sa higit 100 relief centers. Wala ring napaulat na pinsala at ilan sa mga ito ay nagsimula nang magsiuwi sa kanilang tahanan ngayong Martes.
© Agence France-Presse