Siyam patay sa pananalasa ng bagyo sa Australia
Siyam katao ang namatay matapos manalasa ng bagyo sa eastern seaboard ng Australia. Kabilang dito ang dalawang babae na tinangay ng agos ng tubig sa isang stormwater drain.
Binayo ng thunderstorms at mapangwasak na hangin ang mga estado ng Victoria at Queensland sa Australia nitong nakalipas na mga araw, na nagpataob sa mga bangka, nagdulot ng flash floods at naging sanhi ng pabagsak ng mga konkretong powerlines.
Nagbabala ang weather bureau na ang coastal regions sa Queensland ay nahaharap pa rin sa banta ng panganib ng bagyo, mga baha na maaaring maging banta sa buhay, at mapaminsalang hangin.
Sinabi ng pulisya, na tatlong babae ang “nag-e-explore” sa isang malaking stormwater drain sa rural Queensland town ng Gympie, nang sila ay tangayin ng tubig-baha.
Narekober ng police divers ang bangkay ng dalawang babae nitong Miyerkoles, habang ang ikatlo ay nakaligtas matapos niyang mapadpad sa pampang ng kalapit na ilog.
Labing-isa katao naman ang tumilapon sa dagat makaraang tumaob ang isang 39 na talampakang yate, habang nagsasagawa sila ng annual fishing trip malapit sa Brisbane.
Ayon sa pulisya, tatlong lalaki ang nalunod habang ang walong nakaligtas ay kinuha mula sa tubig at itinakbo sa pagamutan.
Sinabi ni police commissioner Katarina Carroll, “It has been a very tragic 24 hours due to the weather.”
This handout photo taken and released by the Victoria Police on December 27, 2023 shows an emergency worker during a rescue operation in the midst of flood waters after heavy rain at the Buchan campground in east Gippsland, located east of Melbourne in the Australian state of Victoria. – Rescue crews were searching on December 27 for survivors after seven people died in heavy storms across Australia’s eastern seaboard, including a 40-year-old woman sucked into a stormwater drain. (Photo by Handout / VICTORIA POLICE / AFP)
Samantala, sinabi ng mga pulis na natagpuan na ang bangkay ng isang siyam na taong gulang na batang babae makaraan itong mawala sa labas ng Brisbane, at isang 59-anyos na babae naman ang nasawi nang mabagsakan ng puno sa Gold Coast ng Queensland.
Inanunsyo ng utility company na Energex, na nagkukumahog silang maibalik ang suplay ng kuryente sa mahigit 80,000 tahanan sa estado.
Sa kanilang post sa social media, “How strong were those storms? Enough to snap multiple concrete poles supporting high-voltage lines.”
Sa Victoria naman, isang babae ang natagpuang patay Martes ng gabi makaraang bahain ang isang regional campground bunsod ng flash floods sa Buchan, 350 kilometro (217 milya) sa silangan ng state capital na Melbourne.
Isang lalaki rin ang namatay makaraan siyang tamaan ng sanga ng isang bumagsak na puno sa Caringal, 180 kilometro (111 milya) sa silangan pa rin ng Melbourne.