Siyam sugatan sa shooting incident sa Michigan water park
Siyam o higit pang katao ang nasugatan kabilang ang isang bata, nang magpaputok ang isang lalaki sa isang water park sa estato ng Michigan.
Ayon sa tanggapan ng local sheriff, ang suspek ay nahuli malapit sa pinangyarihan ng pamamaril sa Rochester Hills, isang suburb ng Detroit.
Sinabi ni Sheriff Michael Bouchard ng Oakland County, “It appears like the individual pulled up, exited a vehicle, approached the splash pad, opened fire. Reloaded, opened fire. Reloaded. Left. So it appears very random at this point. I believe the shooter had no connectivity to the victims.”
Aniya, ipinahihiwatig ng mga paunang impormasyon na mayroong siyam hanggang 10 biktima ng iba’t ibang edad, kabilang ang isang walong taong gulang na bata.
Isang Glock handgun at mga basyo ng bala ang narekober mula sa pinangyarihan ng pamamaril.
Police investigate the scene of a shooting at the Brooklands Plaza Splash Pad on June 15, 2024 in Rochester Hills, Michigan. A gunman reportedly fired 28 rounds from a handgun and wounded up to 10 people before being contained by police in a home a half mile from the park. Bill Pugliano/Getty Images/AFP (Photo by BILL PUGLIANO / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP)
Ayon kay Bouchard, “We believe we have an individual who’s a suspect contained nearby. Assets including SWAT teams and armored vehicles have been deployed.”
Ikinalungkot naman ni Michigan Governor Gretchen Whitmer ang pangyayari.
Aniya, “We are monitoring the situation as updates continue to come in, and are in touch with local officials.”
Ang gun violence sa Estados Unidos ay karaniwan, at libu-libong Amerikano ang napapatay bawat taon dahil sa pamamaril.