Skin diseases at Eye infections, posibleng makuha ng mga taong naliligo sa Manila bay- DOH

 

Nananawagan ang Department of Health o DOH sa lokal na pamahalaan ng Maynila na lalo pang paigtingin ang kanilang kampanya upang hadlangan ang publiko sa paliligo at paglangoy sa maduming tubig ng Manila Bay.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kailangang paramihin ang mga nagbabantay na mga security sa naturang karagatan.

Binigyang diin ni Duque na maraming sakit ang makukuha sa paliligo sa maruming tubig ng Manila bay lalo na ang water-borne diseases.

Punong- puno aniya ng human at industrial wastes ang Manila bay.

Kabilang sa mga sakit na posibleng makuha na dulot ng paliligo sa nabanggit na tubig ay diarrhea, kolera, typhoid at dysentery.

Bukod sa nabanggit, malaki din ang panganib sa pagkakaroon ng eye infections at maraming uri ng skin diseases.

 

Ulat ni Belle Surara

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *