Smuggled frozen mackerel mula sa Tsina na nagkakahalaga ng P202-M, nasabat sa Port of Manila

0
Smuggled frozen mackerel mula sa Tsina na nagkakahalaga ng P202-M, nasabat sa Port of Manila

Hinarang at nakumpiska ng mga awtoridad sa Port of Manila ang 19 na forty-foot containers ng frozen mackerel na galing sa Tsina.

Ayon sa Bureau of Customs, idineklara bilang frozen fried taro ang shipment na nagkakahalaga ng P202 million.

Ininspeksyon ng mga opisyal mula sa BOC, Department of Agriculture, Food and Drug Administration ang misdeclared fish products.

Sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, “Based sa declaration, dapat kung taro balls yan kailangan din nilang magsecure ng permits, unfortunately pagbukas natin wala na tayong nakitang taro ballas, wala na tayong nakitang taro sticks but actually iba na, mackerel na at galunggong.”

Customs Commissioner Bienvenido Rubio

Ayon naman Agriculture Secretary Francisco Laurel Tiu, Jr., “Zero ang duties from China so walang tax na nalugi, it’s just outright smuggling.”

Isa sa mga kaso na isasampa laban sa consignees ng shipment ay economic sabotage.

Sabi pa ng kalihim ng DA, “Definitely pasok ito sa bagong Anti- Economic Sabotage Act, because yung value more than 200 million, 10million lang ang value na non-bailable, so talagang hahabulin ng Bureau of Customs at FDA ang mga perpretor and we’ll bring them to justice.”

Aalamin pa ng mga opisyal kung ligtas na kainin ng mga tao ang mackerel dahil iligal itong naipuslit sa bansa at walang kinauukulang dokumento.

Kung ito ay pumasa sa pagsusuri ng mga eksperto ay maaari itong ibigay sa DA para naman i-donate sa mga nangangailangan.

Ayon kay Rubio, “Kung makukuha natin permiso from the court na pwede na nating i-dispose, I guess puwde kami makipag-coordinate uli sa DA, they have to check di dumaan sa tamang proseso, di nakapagsecure ng mga permits.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *