Sneakers ni Michael Jordan, nabili sa halagang $2.2 million sa isang auction
Inanunsiyo ng Sotheby’s, na isang pares ng sneakers na ginamit ng NBA superstar na si Michael Jordan ang nabili sa halagang $2.2 million, at nagtakda ng record price sa auction para sa game-worn sports footwear.
Ang “Bred” Air Jordan 13s ay ginamit ng basketball legend sa Game 2 ng 1998 NBA Finals, patungo sa kaniyang ika-anim at huling NBA championship title.
Dahil sa naturang online sale, kaya tumibay ang posisyon ni Jordan bilang “most valuable athlete at auctions for sportswear memorabilia.”
Binasag nito ang sarili niyang record ng $1.5 million para sa sneakers, na naitakda noong Setyembre 2021.
Noong isang taon, isa sa kaniyang mga jersey ang nabili sa halagang $10.1 million, ang pinakamalaking halaga na ibinayad sa auction para sa alinmang game-worm collectibles.
Ang $10.1 million na halaga ng pagkakabili sa jersey ni Jordan mula sa Game 1 ng 1998 NBA Finals noong September 2022, ay dumaig sa record na hinawakan ng “Hand of God” Argentina jersey ni Diego Maradona.
Sinabi ni Brahm Wachter, head ng streetwear and modern collectables ng Sotheby’s, “Today’s record-breaking result further proves that the demand for Michael Jordan sports memorabilia continues to outperform and transcend all expectations.”
Ginamit ni Jordan ang sneakers sa second half ng 93-88 victory ng Chicago Bulls kontra Utah Jazz noong June 5, 1998. Kung saan umiskor siya ng isang game-high 37 points.
Ang naturang Finals ay naitampok sa 2020 ESPN/Netflix documentary hit na “The Last Dance,” tungkol sa final season ni Jordan sa Chicago side.
Ayon kay Wachter, “Nostalgia for a different era was driving the popularity of Jordan memorabilia. We have clients in all different areas, from real estate, to finance to private equity. There are many people that are interested in this emerging market.”
Ang halagang napagbilhan kung saan kasama na ang fees at commission, ay mataas sa pre-sale estimate ng Sotheby’s na $2 million ngunit mas mababa kaysa hinulaang presyo na $4 million.
Ayon pa sa auction house, may lagda ni Jordan ang nasabing sapatos na ibinigay niya sa isang ball-boy pagkatapos ng laro.
Hindi na tinukoy ng Sotheby’s kung sino ang nagbenta ngunit hindi na ito ang orihinal na batang pinagbigyan ni Jordan ng sapatos. Hindi rin nito tinukoy kung sino ang nakabili sa size 13 na sneakers.
Kilala ito bilang “Bred” dahil sa itim at pulang kulay nito, isang istilo na gamit ni Jordan sa malaking bahagi ng kaniyang trophy-laden career.
Ang malaking bahagi ng playing career ng 60-anyos na ngayong si Jordan ay ginugol niya kasama ang Bulls, kung saan niya napanaluann ang lahat ng anim niyang titulo, ngunit nagbalik siya mula sa retirement noong 2001 upang maglaro ng dalawang season kasama ng Washington Wizards.
Ang retiradong basketball star, ay nagmamay-ari na ngayon ng Charlotte Hornets, na matatagpuan sa kanyang childhood home sa North Carolina, at sinasabing kumikita pa rin ng milyun-milyong royalties bawat taon mula sa mga benta ng Nike’s Air Jordan brand ng sneakers.
Ang pagkakabili sa “Bred” sneakers ni Jordan ay nakasabay ng pagpapalabas ngayong buwan ng kaniyang pelikulang “Air.”
© Agence France-Presse