Sobrang siningil ng Grab sa mga pasahero, pinare-refund ni Senador Gatchalian
Umani na ng suporta ang mga panawagang i-refund sa mga commuters ang ang sobra-sobrang singil sa pasahe ng Grab Philippines matapos magpaso ang operasyon ng Uber.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, maghahain na rin sya ng resolsuyon para imbestigahan ang batayan sa mga ipinapataw na singil sa pasahe ng Grab.
Kinuwetsyon ng Senador kung bakit lomobo ng 30 percent ang dagdag sa singil sa pasahe ng Grab.
Bukod pa aniya ito ang dagdag na dalawang piso kada na kada minuto na travel charge na tinatayang lomobo na sa 1.8 billion pesos.
“I call LTFRB and PCC to review carefully their operations at siguruhing may safeguards para hindi maabuso ang ating mga kababayan. Ilang linggo pa lang na nawala ang Uber ang dami na agad ng reklamo ng ating mga kababayan. Tumaas ng almost 30% ang pamasahe, marami nang mga drivers na tumatanggi. Dito natin makikita na nagkakaroon na ng monopolistic behaviour, ibig sabihin ang pang-aabuso na ito ay nangyayari”.
Dismayado si Gatchalian sa aniya’y mga pag-abuso ng kumpanya.
Masyado aniyang sinasamantala ng kumpanya ang mataas na demand kaya nagpapataw ng sobra-sobrang singil sa mga commuters.
Depensa naman ng Grab, July 2017 pa nila ipinatupad ang 2 pesos per minute na travel charge.
Sinabi ni Brian Cu, head ng Grab Philippines na hindi lang ito naipalaam sa mga riders dahil ang nakalagay sa kanilang apps ay ang total ng kanilang pamasahe.
Wala aniya silang nakikitang paglabag o iregularidad dahil batay sa ltfrb department order 2015-011, pinapayagan ang mga transport network company na magtakda ng kanilang singil sa pamasahe.
Brian Cu-Head, Grab Philippines:
“There was no comms to the riders inside the app. In the information card, we’ve updated that, but when we raised the P2 per minute, we did not include that. So ‘di namin nailagay, There’s nothing illegal with failing to update the information”.
Ulat ni Meanne Corvera