Social pension para sa indigent senior citizens malabong maipagkaloob
Imposible raw na maibigay ang isang libong pisong Social pension para sa mga indigent na senior citizens na aabot sa apat na milyong piso.
Sa budget hearing sa Senado, sinabi ni Atty. Franklin Quijano ng National Commission on Senior Citizens na mangangailangan ng karagdagang 26 bilyong piso para maibigay ang dagdag na pensyon batay sa itinatakda ng RA 11916.
Hindi raw ito naisama sa hiningi nilang budget dahil ginawa ang budget proposal noong Mayo , samantalang Hulyo naisabatas ang RA 11916.
Aabot sa mahigit 25 billion pesos ang panukalang budget ng NCSC para sa 2023.
Pero batay sa inaprubahang batas, dapat simula sa Enero madoble na ang pensyon ng senior citizens.
Kaya mungkahi ni Senador Imee Marcos, makipag- ugnayan sa Philippine Statistic Authority at DSWD para hanapin ang mga pinaka hikahos, mga inabandona at mga bed ridden na pinaka nangangailangan ng pensyon.
Sila aniya ang dapat unahin sa pagbibigay ng ayuda lalo na ang mga nangangailangan ng gamot.
Bukod kasi sa mga nakatatanda na kasalukuyang tumatanggap ng pensyon, aabot pa sa may animnalibong senior citizens ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang buwanang pensyon na dapat ring tugunan ng NCSC.
Meanne Corvera