Solicitor General Jose Calida, hindi lusot sa imbestigasyon sa kontrata ng Security agency ng kaniyang pamilya kahit dumulog sa Korte Suprema
Binatikos ni Senador Antonio Trillnes si Solicitor General Jose Calida sa pagpapasaklolo sa Korte Suprema para pigilan ang Senado sa pag-iimbestiga sa nakuhang kontrata ng security agency ng kaniyang pamilya sa mga ahensya ng gobyerno.
Paalala ni Trillanes wala namang immunity si Calida sa anumang Legislative inquiry.
Nangangahulugan ito na walang ligal na basehan ang petisyon para sa Temporary Restraining Order.
Sinabi ni Trillanes na itutuloy niya ang imbestigasyon sa mga posibleng katiwalian na kinasasangkutan ni Calida at maari rin itong maharap sa kasong Conflict of Interest.
Nauna nang hiniling ni Calida sa Supreme Court na maglabas ng TRO dahil sa umano’y Abuse of Discretion ni Trillanes matapos magtakda ng Public hearing para busisiin ang isyu gayong hindi pa naire-refer sa plenaryo ng senado ang resolusyon para dito.
Si Trillanes ang naghain ng resolusyon para imbestigahan ang Security firm na pag-aari ng asawa ni Calida na si Milagros matapos makuha ang multi-million contract sa tatlong government agencies kasama na ang doj kung saan konektado ang tanggapan ng SolGen.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: