Solusyon sa food security ibinatay sa agham, teknolohiya at inobasyon
Usapin ukol sa food security ng bansa ang paksang tinalakay ni Dr. Eufemio T. Rasco, Academician, National Academy of Science and Technology o NAST, ng DOST sa ginanap na 71st Annual Convention ng Philippine Association for the Advancement of Science and Technology o PHILAAST.
Ang PHILAAST ay isang non profit national organization ng mga scientist at technologist na naglalayong isulong at palawakin ang batayan ng scientific advancement sa Pilipinas.
Panauhing tagapagsalita si Rasco na dito ay kanyang binigyang- diin ang mga nakaaapekto sa food security gaya ng isyu na may kaugnayan sa land use, energy, water issues, human settlements at maging ang food preference.
Sa kanyang presentation, nagbigay si Rasco ng magandang solusyon gamit ang strategies na naaayon sa agham, teknolohiya at inobasyon at nagmungkahi ng konsepto tungkol sa precision farming, renewable energy, increase farm and agriculture biodiversity at maging recycling ng tubig.
Samantala, ang tema ng isinagawang 71st PHILAAST Annual Convention ay Accelerating Transformation for Sustainable Development Through Science, Technology and Innovation.
Belle Surara