South Africa, naka-detect ng bagong COVID-19 variant na maraming mutations
Inihayag ng mga siyentista sa South Africa,na naka-detect sila ng bagong Covid-19 variant na may malaking bilang ng mutations, na anila’y sanhi ng biglang pagtaas sa bilang ng infection.
Tumaas ng sampung ulit ang bilang ng daily infections sa South Africa, mula nang mag-umpisa ang Nobyembre.
Bilang tugon, ipinagbawal ng Britanya ang lahat ng biyahe na galing sa South Africa at limang iba pang souther African nations, bunsod ng lumalawak na pangamba tungkol sa bagong variant, na ayon sa mga siyentista ay maaaring mas higuit pang nakahahawa kaysa Delta at mas resistant sa kasalukuyang mga bakuna.
Ayon sa virologist na si Tulio de Oliveira . . . “Unfortunately we have detected a new variant, which is a reason for concern in South Africa. It’s unfortunately causing a resurgence of infections,”
Aniya, ang variant na may scientific label na B.1.1.529, ay may napakataas na bilang ng mutations, at sinabing posibleng bigyan na ito ng World Health Organization (WHO) ng Greek variant name ngayong Biyernes.
Dagdag pa ni Oliveira, ang nabanggit na variant ay na-detect din sa Botswana at Hong Kong.
Ayon sa WHO, mataman nilang sinusubaybayan ang variant at inaasahang magpupulong sila ngayong araw para alamin kung ibibilang ito na “variant of interest” o “variant of concern.”
Anila . . . “Early analysis shows that this variant has a large number of mutations that require and will undergo further study.”
Ayon naman kay South African Health Minister Joe Phaahla . . . “The variant was of serious concern and behind an exponential increase in reported cases, making it a major threat.”
Ang bilang ng daily infections ng bansa ay umabot ng 1,200 nitong Miyerkoles, mas mataas kumpara sa 106 sa unang bahagi ng Nobyembre.
Bago na-detect ang bagong new variant, nagbigay ng prediskyon ang mga awtoridad na posibleng tamaan ng fourth wave ang South Africa na maaaring magsimula sa kalagitnaan ng Disyembre, dulot ng mga biyahero para sa holiday season.
Pahayag ng government-run National Institute for Communicable Diseases (NICD), d 22 positive cases ng bagong variant ang naitala na sa bansa.
Ayon sa NICD . . . “The number of detected cases and the percentage testing positive are ‘increasing quickly’ in three of the country’s provinces including Gauteng, home to the economic hub Johannesburg and the capital Pretoria.”
Dagdag pa nito, isang cluster ng outbreak ang kamakailan ay na-identify na naka-concentrate sa isang higher education institute sa Pretoria.
Noong isang taon, ang Beta variant ng virus ay unang lumitaw sa South Africa, bagama’t hanggang ngayon ang infection numbers ay dulot ng Delta, na una namang na-detect sa India.
Ang South Africa ang may pinakamataas na pandemic numbers sa Africa na nasa 2.95 million cases, kung saan 89,657 dito ang namatay.
Ayon sa mga siyentista, ang bagong variant ay mayroong hindi bababa sa 10 mutations, kumpara sa dalawa ng Delta at tatlo ng Beta.
Sinabi ni Maria Van Kerkhove, technical lead on Covid-19 ng WHO. . . “The concern is that when you have so many mutations, it can have an impact on how the virus behaves. It will take a few weeks for us to understand what impact this variant has on any potential vaccines.”
Ayon naman sa isa sa mga siyentista ng South Africa na si Penny Moore . . . “Neutralising the variant is ‘complicated by the number of mutations this variant’ contains. This variant contains many mutations that we are not familiar with.”
Ipinahayag ng Africa Centres for Disease Control and Prevention, na sa lalong madaling panahon ay magpupulong ang South African experts para talakayin ang bagong variant.
Ayon kay Africa CDC head John Nkengasong . . . “There are so many variants out there but some of them are of no consequence on the trajectory of the epidemic.” (AFP)