South African President Cyril Ramaphosa, nagpositibo sa Covid-19

Nagpositibo sa Covid-19 si South African President Cyril Ramaphosa, at ngayon ay ginagamot na para sa kaniyang mild symptoms.

Nagsimula ang hindi magandang pakiramdam ni Ramaphosa, pag-alis nito mula sa isang state memorial service para sa dating deputy president na si F W de Klerk sa Cape Town.

Si Ramaphosa na fully vaccinated na ay minomonitor ng mga doktor.

Sa ngayon ay mananatiling nakaself-isolate sa Cape Town ang pangulo, at ipinasa na muna ang lahat ng responsibilidad kay Deputy President David Mabuza para sa susunod na linggo.

Ayon sa presidential statement, sa huling pagbisita ng pangulo kasama ng buong South African delegation sa apat na estado ng West Africa, ay sumailalim sa Covid test ang mga ito.

Batay sa naturang statement . . . “The president and the delegation returned to South Africa from the Republic of Senegal on Wednesday, 8 December 2021 after obtaining negative test results. The president also tested negative on his return to Johannesburg on 8 December.”

Binanggit sa statement ang sinabi ni Ramaphosa na . . . “My own infection served as a warning to all citizens of the importance of getting vaccinated and remaining vigilant against exposure. Vaccination remains the best protection against severe illness and hospitalisation.”

Ang mga taong nagkaroon ng kontak sa pangulo ay pinayuhang bantayan kung may mararanasan silang sintomas o kaya naman ay kumuha ng Covid test. (AFP)

Please follow and like us: