South Island ng New Zealand, niyanig ng lindol
Niyanig ng isang malakas na lindol ang South Island ng New Zealand ngayong Miyerkoles.
Ang mababaw na lindol na tumama kaninang alas-9:14 ng umaga (2114 GMT), ay may sukat na 5.6 magnitude ayon sa US Geological Survey at magnitude-6.0 naman ayon sa GeoNet monitoring service ng New Zealand.
Sinabi ni Rebecca Chapman, na nagtatrabaho sa Cafe Verde sa Geraldine, mga 40 kilometro (25 milya) mula sa sentro ng lindol “Nothing broke, but the lights were shaking. It was a bit scary. One of the customers was distressed as they had experienced the Christchurch earthquake,” na ang tinutukoy ay ang nangyaring lindol noong February 22, 2011 na ikinasawi ng 185 katao sa lungsod.
Ang New Zealand ay nasa Pacific Ring of Fire, kung saan nagbabanggaan ang mga tectonic plate, at nakararanas ng malimit na seismic at volcanic activity.