South Korean President Yoon, naaresto na
Inaresto at ikinulong na ng South Korean authorities, ang na-impeach na si President Yook Suk Yeol, kasunod ng limang oras na tensiyonadong standoff sa kaniyang compound na bantay sarado ng kaniyang supporters.
Police officers and investigators of the Corruption Investigation Office for High-ranking Officials pass through the entrance to the official residence of impeached South Korean President Yoon Suk Yeol, as authorities are seeking to execute an arrest warrant, in Seoul, South Korea, January 15, 2025. REUTERS/Kim Hong-Ji
Mayroon lamang 48 oras ang mga awtoridad upang magpasya kung maghahain ng isang formal arrest o palalayain si Yoon, pagkatapos niyang sumailalim sa pagkuwestiyon kaugnay ng isang insurrection investigation, na may kaugnayan sa maikli niyang deklarasyon ng martial law noong Disyembre.
Impeached South Korean President Yoon Suk Yeol’s supporters scuffle with police officers as authorities seek to execute an arrest warrant, in Seoul, South Korea, January 15, 2025. REUTERS/Tyrone Siu
Ang detensiyon ni Yoon ang unang pagkakataon na isang nakaupong South Korean President ang ikinostudiya ng pulisya.
Members of the Presidential Security Service gather behind the entrance of the official residence of impeached South Korean President Yoon Suk Yeol, as authorities, including the Corruption Investigation Office for High-ranking Officials, are seeking to execute an arrest warrant, in Seoul, South Korea, January 15, 2025. REUTERS/Kim Hong-Ji
Sinabi naman ni Yoon na hindi na siya tumangging magpa-aresto upang maiwasan ang anumang pagdanak ng dugo, makaraang magbanta ng mga awtoridad na handa silang gumamit ng mas matinding puwersa kumpara sa nabigong unang pagtatangka na arestuhin ang na-impeach an pangulo dalawang linggo na ang nakalipas.