Southeast Asia, naghahanda para sa mga pabrikang tatakas sa Trump tariff sa China
Inililipat ng mga kompanya ang kanilang mga pabrika mula China patungong Southeast Asia, dahil sa inaasahang ipapataw na mataas na taripa ni Donald Trump sa Beijing sa sandaling muli siyang maupo sa White House, isang hakbang na malamang na matuloy ngayong nanalo siya sa eleksiyon.
Si Trump, na nagwagi sa US Presidential election noong Martes, ay nagbantang magpapataw ng 60% taripa sa lahat ng mga produktong papasok sa Amerika na galing China, mas mataas kaysa ipinataw na 7.5% hanggang 25% noong uan niyang termino.
Sinabi ng dalawang executives, dalawang business groups, isang abogado at isang analyst sa rehiyon, ang Southeast Asia na may auto at electronics factories mula Thailand hanggang Vietnam at Malaysia, ay malamang na makinabang dito.
Ang mga developer ng mga industrial park ay nagdagdag ng Chinese speakers at naghahanda ng mga land tract para sa mga pabrika, isang palatandaan kung paanong maaaring baguhin ni Trump, na opisyal nang manunungkulan sa Enero, ang mga pandaigdigang supply chain.
Habang inihahanda ni Trump ang kanyang kampanya upang mabawi ang pagkapangulo noong unang bahagi ng taong ito, dumagsa ang mga tawag mula sa mga customer na Tsino sa WHA Group, isa sa pinakamalaking industrial estate developers, ayon sa CEO na si Jareeporn Jarukornsakul.
Aniya, “There was (already) a relocation to Southeast Asia, but this round is going to be more intense,” na ang tinutukoy ay ang 2017-2021 first term ni Trump.”
Ayon kay Jareeporn, “WHA is expanding its sales force and adding Chinese speakers to teams overseeing maintenance and administration of industrial parks spanning more than 12,000 hectares (30,000 acres) in Thailand and Vietnam.”
Sinabi ni Vikrom Kromadit, ang founder at chairman ng developer, na sa 90 pabrika na nagbukas ngayong taon sa mga industrial park na pinamamahalaan ng Amata Corp ng Thailand sa buong Southeast Asia, dalawang-katlo (2/3) ang mga kumpanyang naglilipat ng mga pasilidad mula sa China.
Aniya, “Trump will be a “big punch” to China, potentially doubling the number of firms looking to move from there into Amata’s 150 square km (60 square miles) of industrial estates in four Southeast Asian countries.”
Dagdag pa niya, ang konstruksiyon ay nagsimula na ngayong buwan sa isang Amata industrial park sa Laos, kung saan nagtayo ang China ng isang igh-speed rail line na nagdurugtong sa Kunming sa southwestern China at Laotian capital na Vientiane.
Ang Thailand, isang rehiyonal na sentro ng pagmamanupaktura ng sasakyan, ay nakakuha ng mahigit $1.4 bilyong pamumuhunan mula sa mga Chinese automaker sa mabilis nitong lumalawak na industriya ng de-kuryenteng sasakyan.
Sinabi ni Thai Commerce Minister Pichai Naripthaphan, “We want a lot of investment from China so we can sell to America. I believe this will happen. The Americans love us, the Chinese love us – we don’t have to choose sides.”
Ang Malaysia, na umaasang makakukuha ng mahigit $100 bilyon sa mga bagong pamumuhunan sa sektor ng semiconductor nito, ay maaaring makinabang mula sa muling pagsasaayos ng mga supply chain, sabi ng mga pinuno ng dalawang grupo ng negosyo.
Ayon kay Soh Thian Lai, presidente ng Federation of Malaysian Manufacturers, “This shift could provide Malaysia with new opportunities to capture a larger share of exports to the United States and other key markets.”
“But risks persist, particularly with some indications that Trump may consider tariffs on imports from countries across the region,” sabi naman ni Leif Schneider, pinuno ng international law firm na Luther sa Vietnam.
Ang Vietnam, isang pangunahing exporter sa U.S. na may $90 bilyong bilateral trade surplus sa pagitan ng Enero at Setyembre, ay naghahanda para sa volatility sa ilalim ng Trump.
Ayon kay Jareeporn g WHA, “Trump will have to choose – you can be anti-China, but you’ll need to have some friends in Southeast Asia. He is a negotiator, so we will negotiate.”