Souther Luzon, Visayas at Mindanao, apektado ng ITCZ: PAGASA
Apektado ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ), ang Timugang Luzon, Visayas, at Mindanao.
Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na ang Quezon, Bicol Region, Eastern Visayas, Dinagat Islands, at Surigao del Norte ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Posible ang mga flashflood at landslide dahil sa kalat-kalat na katamtaman hanggang sa minsan ay malakas na mga pag-ulan.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa, ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may manaka-nakang mga pag-ulan o pagkulog, pagkidlat.
Ayon sa PAGASA, ang buong bansa ay makararanas ng banayad hanggang katamtamang lakas ng hangin at mahina hanggang katamtamang lakas ng alon sa karagatan.