Southern Costa Rica at Panama border, niyanig ng 6.0 na lindol
Niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang Southern Costa Rica malapit sa border ng Panama kagabi.
Sa report ng US Geological survey, sa kabila ng malakas na pagyanig, wala namang naitalang pinsala o namatay sa dalawang Central American countries.
Naitala ang epicenter ng lindol sa labing-siyam na kilometro o 11.7 miles North ng Golfito town kung saan matatagpuan ang Southermost port ng bansa at itinuturing na surfing destination.
Ayon naman sa mga firefighters ng Costa Rica, may mga naitala silang ulat ng minor damages mula sa mga bumagsak na bagay sa mga kabahayan at iba pang nga gusali.
Ang 6.0 na lindol ay nasundan ng 4.9 magnitude na aftershock makalipas ang isang oras sa kapareho ring lokasyon.
=============