Speaker Alvarez dumepensa sa paspasang plenary debate para sa 2018 budget

Idinipensa ni Speaker Pantaleon Alvarez ang itinakdang paspasang plenary debate para sa 3.7 trillion 2018 budget.

Sinabi ni Alvarez na sapat na ang limang araw para pagdebatehan sa plenaryo ang panukalang budget hanggang sa pagbotohan ito.

Sa schedule na inihayag ni House Appropriations Committee Chairman Karlo Alexei Nograles, mag-uumpisa ang  plenary debate sa budget sa September 4 at tatapusin sa September 8.

Ibig sabihin, ang buong susunod na linggo ay may sesyon ang mga kongresista para tapusin ang approval ng 2018 budget hanggang second reading.

Ayon kay Alvarez, walang dahilan para patagalin pa ito at kung tutuusin ay kailangan pang paspasan kung kakayanin.

Lahat naman ng kailangang itanong ay naitanong na sa tatlong linggong committee budget hearing kaya wala na dapat maiwan na katanungan para sa plenaryo.

Magpapasikat lamang aniya ang mga magtatanong pa sa plenaryo.

Ulat ni: Madelyn Villar- Moratillo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *