Special Program for Employment of Students, umarangkada na sa Caloocan City
Tumanggap ng tulong pinansiyal ang mga mag-aaral sa lungsod ng Caloocan, sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES) ng Caloocan LGU sa tulong ng Public Employment Service Office (PESO).
Apat na raan at walompu’t limang mga kabataang benepisyaryo ang nabiyayaan sa nasabing programa, sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Sumailalim sa orientation at pumirma ng kontrata ang bagong batch ng SPES na magtatrabaho sa loob lamang ng 20 araw, na magsisimula sa June 3 at matatapos ng July 2 sa iba’t ibang tanggapan ng LGU Caloocan habang summer vacation.
Layunin ng nasabing programa na magkaroon ng karagdagang kaalaman, karanasan, at panggastos ang mga mag-aaral para sa darating na pasukan.
Buong galak namang nagpasalamat ang mga mag-aaral na nabigyan ng ganitong programa ng gobyerno, na nangakong kanila itong pagbubutihan at buong sikap nila itong pagtatalagahan dahil sa malaking tulong ito sa kanila tungo sa magandang kinabukasan.
Manny De luna