Sputnik V, maaari lang iturok sa mga Health worker at Person with Comorbidities -DOH
Mga Health worker at sa mga indibidwal na may Comorbidity pa lamang muna ibibigay ang Sputnik V COVID 19 vaccine.
Ayon kay Health Usec Ma. Rosario Vergeire, batay sa contraindication ng Sputnik V sa mga nasa edad 18 pataas maaaring iturok ang bakuna.
Pahayag ng kalihim “sa A1 saka A3, yan muna ang mga paunang bibigyan ng mga Lungsod ng Sputnik V.
Una rito, sinabi ng DOH na ang 15,000 doses ng Sputnik V na dumating sa bansa ay hinati sa 5 Lungsod sa National Capital Region.
Bawat isa sa 5 Lungsod na ito tatanggap ng tig 3,000 doses ng bakuna.
Ito ay sa Maynila, Makati, Taguig, Muntinlupa at Parañaque.
Samantala, natanggap na ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila ang 3,000 doses ng Sputnik V.
Ang mga bakuna personal na tinanggap ni Manila Mayor Isko Moreno at ilalagay muna sa kanilang storage facility sa Sta Ana Hospital.
Madz Moratillo