‘Squid Game’ season 2 matatagalan pa
Hindi pa isinusulat ng creator ng “Squid Game” na si Hwang Dong-hyuk ang script para sa season two, at sinabing malamang na hindi ito maipalalabas bago ang huling bahagi ng 2024.
Ayon sa South Korean writer-director . . . “I have to work on season two. Hopefully I can show it to the fans by the end of 2024.” Inamin nito na tatlong pahina pa lamang ng script para sa follow-up ng season 1 mega-hit ang kaniyang naisulat.
Sinabi ng Netflix, na noong Oktubre ay 142 million subscribers ang nanood ng ‘Squid Game’ o halos 2/3 ng kanilang users, isang record na nagde-demand ng isang second series.
Subali’t ang palabas ay orihinal na isinulat ni Hwang bilang isang feature film noong 2009, at nakumbinse lamang siya na gumawa ng isang TV series nang dumating ang Netflix sa South Korea noong 2016.
Sinabi niya na ang muling paggawa ng script sa loob ng pitong buwan ay hindi kaaya-aya.
Aniya . . . “It was hell. Maybe season two will be my last series.”
Maraming pakinabang sa tagumpay, at nang magkaroon ng pagkakaroon si Hwang na makilala ang kanyang hinahangaang si Steven Spielberg, ay sinabi aniya nito sa kaniya na . . . “You had binged the whole show in three days. I wanted to steal your brain.”
Si Hwang ay gumagawa rin ng isang pelikula na hindi malayo sa kanyang hit show.
Ang “KO Club” ay isang pelikula tungkol sa pagpatay sa matatandang tao, base sa libro ng Italian author na si Umberto Eco.
Ayon kay Hwang . . . “It was even more violent than Squid Game. I will need to steer clear of elderly people after its release. ‘