Sri Lanka humingi ng tulong sa UN sa kakulangan ng pagkain

Workers transport food grains and other essential goods at a market after authorities relaxed the ongoing curfew for a few hours in Colombo on May 12, 2022. – The country of 22 million people is in its worst economic crisis since independence with severe shortages of food, fuel and medicines and long power cuts. (Photo by ISHARA S. KODIKARA / AFP)

Sinabi ng tanggapan ng prime minister, na humihingi ng agarang tulong ang kapos sa salaping Sri Lanka sa United Nations, upang makabuo ng stockpile ng mga mahahalagang pagkain, makaraang magbabala ang mga awtoridad sa nagbabantang kagutuman.

Ang matinding kakapusan sa pagkain, gasolina at iba pang mahahalagang produkto, kasama ang mataas na inflation at rolling blackouts, ay nagdulot ng malawakang paghihirap at krisis sa ekonomiya na hindi pa nangyari noon.

Ang kakapusan sa suplay ng petrolyo, diesel at pataba ay nagpahirap sa mga magsasaka na makapagtanim, habang ang sektor ng agrikultura ay hindi pa nakababangon mula sa isang mapaminsalang “organic policy” na nakaapekto sa mga ani noong nakaraang taon.

Ayon sa tanggapan ni Prime Minister Ranil Wickremesinghe, ang UN Food and Agriculture Organization ay nagpaplano na ngayon ng isang “food crisis response plan” upang paramihin ang mga reserba at mag-aalok din ng mas maraming pondo para sa agrikultura sa lungsod.

Noong Abril ay nagbabala si parliamentary speaker Mahinda Yapa Abeywardana, na ang Sri Lanka ay nahaharap sa “lubhang kakulangan ng pagkain at kagutuman.”

Humigit-kumulang sa kalahati ng produksiyon ng bigas ng Sri Lanka ay nawala noong nakaraang taon, at ang huling panahon ng pagtatanim na nagsimula noong isang buwan ay naantala dahil sa kakulangan ng mga pataba.

Ang masakit na krisis sa ekonomiya ng Sri Lanka ay bunsod ng kakulangan sa foreign currency, sanhi para ang mga mangangalakal ay hindi makapagbayad ng mahahalagang angkat, kabilang na ang mga pataba o fertilizers.

Mula noon ay hindi na nabayaran ng gobyerno ang $51 bilyon nitong utang sa ibang bansa, at humihingi ng bailout sa International Monetary Fund (IMF).

Karamihan sa mga pataba ng Sri Lanka ay inaangkat, ngunit noong nakaraang taon ay inihayag ni Pangulong Gotabaya Rajapaksa ang pagbabawal sa mga dayuhang agrochemical habang ang foreign reserves ng bansa ay nagsimula nang maubos.

Ang polisiya ay ginawa bilang isang pagsisikap na ang Sri Lanka ay gawing kauna-unahang “100% organic farming nation,” ngunit bigla itong nahinto matapos iwan ng mga magsasaka ang kanilang mga bukirin.

Ang pinuno ng ministeryo ng agrikultura ay agad na sinibak noong Disyembre, pagkatapos magbabala na ang polisiya ay maaaring humantong sa isang taggutom sa pagtatapos ng taong ito.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: