SSS humihirit ng dagdag kontribusyon para sa panukalang 100-day expanded Maternity leave
Hihirit ng 30 hanggang 48 pesos na dagdag sa buwanang kontribusyon sa kanilang mga miyembro ang Social Security System o SSS.
Kasunod ito ng pagkakalusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ng House Bill 4113 o panukalang 100-day expanded maternity leave.
Ayon kay SSS Assistant Vice-President Maria Luisa Sebastian, kakailanganin ang dagdag-kontribusyon para maibigay ang nararapat na benepisyo sa mga babaeng miyembro na magiging sakop ng panukalang 100-day expanded maternity leave.
Gayundin, upang mabawasan ang posibleng pasanin sa pondo ng SSS dahil sa panukala.
Umaasa naman si Sebastian na pakikinggan ng mga mambabatas ang kanilang hiling at maisama sa probisyon sa panuklang 100-day expanded maternity leave.
Batay sa House Bill 4113, dapat bayaran ng maternity benefit ang mga babaeng miyembro ng sss na nakapagbayad ng kanilang tatlong buwang kontribusyon sa loob ng isang taon bago ang buwan ng panganganak.
=========