Sta Rosa City at Biñan City LGUs naglaan na rin ng pondo para sa COVID-19 vaccines
Naglaan na rin ng pondo pambili ng COVID-19 vaccines ang mga lokal na pamahalaan ng Sta. Rosa City at Biñan City sa Laguna.
Ayon kay Sta Rosa City Mayor Arlene Arcillas, inisyal na Php 300-M ang kanilang inilaang budget para sa pagbili ng bakuna.
Makikipag-ugnayan anya sila sa IATF para sa pagpapatupad ng vaccination program.
Sinabi ng alkalde na susunod sila sa mga panuntunan ng national government pero mayroon din sariling panukala na isusumite sa IATF para sa pagbabakuna.
Samantala, inihayag naman ni Biñan City Mayor Arman Dimaguila na nag-allot sila ng Php 120-M hanggang
Php 150-M para ipambili ng bakuna kontra COVID.
Ang mga ikinukonsidera anya nilang bilhin ng Biñan Citu government ay ang bakuna mula sa Pfizer, Moderna, at AstraZeneca.
Prayoridad anya sa babakunahan ang mga health workers, senior citizens, persons with disabilities, guro at iba pang mga government frontliners gaya ng mga pulis, bumbero, barangay officials at iba pa.
Moira Encina