State of emergency, idineklara sa New York dahil sa monkeypox
Nagdeklara ng state disaster emergency ang gobernador ng New York dahil sa mataas na kaso ng monkeypox doon.
Sa abiso ng Consulate General ng Pilipinas sa New York, sinabi na ang New York ang may pinakamaraming kaso ng monkeypox sa US na mahigit 1,300 batay sa pinakahuling tala ng mga otoridad.
Ibig sabihin ay mahigit isa sa apat na kaso ng monkeypox sa US ay nasa New York State.
Kaugnay nito, pinayuhan ng konsulado ang Pinoy community sa New York na mag-ingat laban sa sakit at agad na magpakonsulta kung makaranas ng mga sintomas ng monkeypox.
Moira Encina
Please follow and like us: