State of Public Health emergency, umaasang itutuloy pa rin ng susunod na administrasyon
Umaasa ang Department of Health (DOH) na ipagpapatuloy pa rin ng Marcos administration ang umiiral na public health emergency sa bansa.
Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, sa Setyembre ay mapapaso na ang umiiral na state of emergency.
Paliwanag ng opisyal, maraming operational implications ang pag-alis ng health emergency gaya ng mga kinakailangang gamot sa Covid-19 response.
Maging ang mga bakuna aniya na ginagamit ngayon kontra Covid-19 ay pwedeng maapektuhan dahil nagagamit lamang ito sa pamamagitan ng emergency use authorization.
Mahirap aniya ito lalo na at nababawasan na rin ang proteksyon ng bakuna dahil sa mga nakapasok na subvariant ng Covid-19.
Madz Moratillo