Steam inhalation at mainit na Chicken soup, mainam sa mga may trangkaso, ayon sa eksperto

 

Malaki ang tulong ng Steam inhalation o paglanghap ng usok mula sa mainit na tubig.

Ayon sa mga eksperto,  may taglay itong water vapor na nakatutulong sa baradong ilong, sipon, ubo at sinusitis.

Ang steam ay nagpapaluwag ng baradong ilong.

May tulong din ang steam inhalation sa may trangkaso, allergy, hika at pulmonya.

Bukod sa Steam inhalation, kung nararanasan ang nabanggit na karamdaman, mainam din  na humigop ng mainit na chiken soup.

Sa mga pag aaral, nakapagpapaginhawa  ng pakiramdam at nakapagpapaluwag ng paghinga ang paghigop ng mainit na sabaw.

Payo ng mga eksperto, ingatan ang kalusugan lalo na ngayong malamig ang panahon at nararanasan ang pagulan dulot ng Habagat.

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *