Steve Kerr, bagong coach ng USA national team
Pinangalanan bilang coach ng United States national team sa 2024 Paris Olympics, ang five-time NBA champion player at three-time NBA champion coach na si Steve Kerr.
Ang 56-anyos na Amerikanong si Kerr, ay nagsilbing assistant kay coach Gregg Popovich sa US squad ng NBA stars na nakakuha ng Olympic gold noong Agosto sa Tokyo.
Ayon kay Kerr . . . “I’m incredibly honored and humbled to represent our country. It’s a thrilling opportunity and I’m excited for the challenge.”
Iginiya rin niya ang Golden State Warriors para makuha ang NBA crowns noong 2015, 2017 at 2018, at sa 2015-16 season ay tinulungan ang Warriors na makuha ang NBA regular-season record na 73 victories bago natalo sa Cleveland sa NBA Finals.
Bilang isang manlalaro, si Kerr ay nagwagi na ng tatlong NBA titles kasama ang Chicago Bulls na pinangungunahan ni Michael Jordan sa 1990s, at dalawa pa noong 1999 at 2003 kasama ng San Antonio Spurs sa ilalim ng guidance ni Popovich.
Ayon kay USA Basketball Chairperson at retired general Martin Dempsey . . . “With today’s announcement, our men’s national basketball team begins its quest for 2023 FIBA World Cup and 2024 Olympic gold.”
Pinangalanan naman bilang assistants ni Kerr sa loob ng susunod na tatlong taon sina Phoenix Suns coach Monty Williams, Miami Heat coach Erik Spoelstra at Gonzaga University coach Mark Few.
Ang American collection ng NBA talent ay nanalo ng apat na magkakasunod na Olympic gold medals at pito sa nakalipas na walo. Nanalo rin ang US men’s team ng dalawa sa nakaraang tatlong World Cup titles. (AFP)