Stranded passengers umabot sa 3,000
Umabot na sa mahigit tatlong libong pasahero ang stranded sa ibat ibang pantalan dahil sa Bagyong Agaton.
Sa ulat ng Philippine Coastguard, may 3,409 pasahero, driver at cargo helpers ang stranded sa mga pantalan sa Eastern Visayas, Bicol, North Eastern Mindanao, Central Visayas, at Western Visayas region.
May 1,547 rolling cargoes; 35 vessels; at 1 motorbanca rin ang stranded habang may 76 vessels at 4 na motorbancas naman ang naka shelter bilang pag- iingat dahil sa masamang panahon.
Tiniyak naman ng PCG ang 24/7 monitoring para masiguro ang mabilis na pagresponde sakaling magkaroon ng emergency situation.
Madelyn Villar – Moratillo