Studio Ghibli makatatanggap ng honorary Palme d’Or sa Cannes
Inanunsiyo ng organisers na makatatanggap ng honorary Palme d’Or ang legendary Japanese animators na Studio Ghibli, sa Cannes Film Festival sa May.
Kinagigiliwan sa buong mundo ang Oscar-winning studio, na co-founded ni Hayao Miyazaki 40 taon na ang nakalilipas, dahil sa masterpieces nito gaya ng “Spirited Away,” “My Neighbour Totoro,” at “Howl’s Moving Castle.”
Ito ang magiging tanda na sa unang pagkakataon ay ibibigay ng Cannes ang parangal sa isang ‘collective’ sa halip na sa isang indibidwal.
Nagkaroon ng ilang public appearance si Miyazaki at ang kaniyang long-time collaborator na si Isao Takahata, na namatay na noong 2018.
Ang isa pang founder, ang producer na si Toshio Suzuki, ay nagsabi naman, “I am truly honoured and delighted to be receiving the award.”
(FILES) Japanese animator Hayao Miyazaki speaks to the press in Tokyo on July 13, 2015. Legendary Japanese animation studio Ghibli, co-founded by Hayao Miyazaki, will receive an honorary Palme d’Or at the 77th Cannes Film Festival in May 2024, organisers announced on April 17, 2024. (Photo by YOSHIKAZU TSUNO / AFP)
Sinabi ng organisers ng Cannes, “Ghibli’s ‘characters populate our imaginations’ with prolific, colourful universes and sensitive, engaging narrations. With Ghibli, Japanese animation stands as one of the great adventures of cinephilia, between tradition and modernity.”
Higit isang beses nang inanunsiyo ng 83-anyos na si Miyazaki ang kaniyang pagreretiro, ngunit noong isang taon ay nagbalik cinema sa pamamagitan ng “The Boy and the Heron,” na nagwagi ng Oscar para sa best animated film nitong nakalipas na buwan, na pangalawa na niya pagkatapos ng “Spirited Away” noong 2003.
Una na ring nai-anunsiyo na si George Lucas, na isa ring malaking pangalan sa cinematic storytelling at creator ng “Star Wars,” ay tatanggap din ng isang honorary Palme sa festival ngayong taon na tatakbo mula May 14 hanggang 25.