Stuffed toy ‘hospital’ sa Venezuela, nagdudulot ng saya sa mga bata
Isa ang 40-anyos na si Judith sa mga volunteer ng isang ospital para sa mga stuffed toy. Simula nang itatag noong 2017, ang ospital ay nakapag-deliver na ng 30,000 recycled na mga laruan sa mga paaralan at mga asosasyon sa mahihirap na mga lugar.
Ang operasyon ng stuffed toys hospital ay sa tahanan ng 63-anyos na founder nito na si Lilian Gluck sa Caracas, kung saan nakatatanggap sila ng daan-daang mga laruan kada linggo para ayusin.
Ang unang trabaho ay ang i-categorize ang mga laruan: manyika, baby toys, at iba pa.
Ayon kay Gluck . . . “The stuffed toy hospital operates like a hospital, patients come in from the street. These patients are sewn, washed, fixed, if there are missing eyes we give them eyes, their hair is combed, they are given a beautiful ribbon and a card with a very nice message to take care of them and give them as gifts to other children when they grow up.”
Sa isang silid, higit sa 300 stuffed toys ang naghihintay para ayusin at muling pagandahin, habang sa workshop room naman ay nagtutulong-tulong ang mga volunteer sa trabaho.
Ilan sa kanila ay tagalinis ng mga laruan at maingat iyong tinatahi, habang ang iba naman ay taga-pinta sa sirang mga manyika. Mayroon ding mga mananahi na gumagawa ng maliliit na mga damit na isa sa paboritong gawin ni Judith.
Aniya . . . “I love to see them (the children) when we arrive and they know they are going to get a toy. You can’t imagine their eyes. It’s a real delight, and it’s what is needed.’
Bawat isang stuffed animal gift ay maingat na ibinabalot. Ayon kay Gluck, bawat detalye ay mahalaga dahil naniniwala siya na nabibigyan niya ng dignidad ang mga kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga laruang nasa magandang kondisyon.
Sa isang bansa kung saan 76 na porsiyento ng populasyon ay nasa malubhang kahirapan, ayon sa private Catholic University of Andres Bello, naniniwala si Gluck na ang kaniyang ginagawa ay kasinghalaga rin ng pagtulong sa mga mahihirap.
Aniya . . . “We support and accompany many people who bring food, but we cannot be so simplistic. In this country people need to continue having fun.’
Ang pediatrician na si Maria Jose Rodriguez, ay nagsimulang maging volunteer sa asosasyon nang ang kaniyang mga pasyente sa klinika ay makatanggap ng mga donasyon.
Ayon sa 47-anyos na doktora . . . “Obviously, you’re not going to get a child out of malnutrition with a stuffed animal, but play is a basic need and children have the right to play.”
Sa isang primary school sa Petare, ang pinakamalaking slum area sa bansa, nakatanggap ng isang stuffed toy na nakalagay sa bag ang 10-taong gulang na si Elias Barazarte, na may kasama pang isang kahon ng mga krayola at ilang candies.
Masayang sinabi ni Elias . . . “It doesn’t matter that it’s recycled as long as you can use and play with it.”
May card na kasama ang natanggap na regalo ni Elias kung saan nakasaad . . . “Hello, I’m your new toy. I’m an experienced toy because I’ve already played with another child. Love me and look after me and I will do the same with you, and when you’re big give me to another child who will love me like you do.”
Naniniwala ang direktor ng paaralan na si Mariligia Moreno na may sentimental at emosyonal na elemento ang pagbibigay ng mga laruan sa mga batang napagkaitan ng maayos na buhay.
Ayon kay Moreno . . . “Their parents are not around and a stuffed animal is not going to make up for it, but it is a way to help them express themselves, to take care of them (the toys), to give them the love that perhaps at the moment they have no one to give it to.”
© Agence France-Presse