Sulu idineklara ng Korte Suprema na hindi bahagi ng Bangsamoro

Pinagtibay na ng Korte Suprema ang validity ng Bangsamoro Organic Law o Republic Act No. 11054.

Pero ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty.Camille Ting, sa ruling ng Korte Suprema ay idineklarang hindi bahagi ng Bangsamoro region ang Sulu.

Paliwanag ni Ting, hindi kasi bumoto ang Sulu para sa ratipikasyon ng Bangsamoro law.

Sinabi nito na immediately executory ang ruling ng SC.

Ayon pa SC, hindi labag sa Konstitusyon ang Bangsamoro Organic Law dahil hindi nito ginagawang hiwalay na estado ang BARMM mula sa Pilipinas.

Matatandaan na ang batas ay niratipikahan ng karamihan sa ARMM maliban sa Sulu.

Pero sa kabila nito ay isinama sa BARMM ang Sulu kaya naghain ang probinsya ng petisyon sa Korte Suprema.

Ayon kay Ting, “The Court however declared unconstitutional the interpretation of the provision in the law directing the provinces and cities of ARMM to vote as one geographical unit as including provinces that rejected it. It violates Article X, Section 18 of the Constitution, which states that only provinces, cities, and geographic areas voting favorably in the plebiscite shall be included in the autonomous region. As Sulu rejected the Bangsamoro Organic Law in the plebiscite, it was wrong to include the province in BARMM.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *