Sumatra sa Indonesia, tinamaan ng 6.0-magnitude na lindol
Isang 6.0-magnitude na lindol ang tumama baybayin ng isla ng Sumatra sa Indonesia.
Ayon sa US Geological Survey (USGS), ang sentro ng lindol ay 48 kilometro (30 milya) timog, timog-silangan sa siyudad ng Singkil sa lalawigan ng Aceh at may lalim na 48 kilometro.
Tumama ito bansang ala-6:30 ng umaga, local time (2330 GMT) at wala namang agad na napaulat tungkol sa casualties o major damage, o kung mayroon mang tsunami alert.
Binigyan ng Meteorology, Climatology and Geophysics Agency (BMKG) ng Indonesia ang lindol ng mas mataas na magnitude na 6.2, habang ang European-Mediterranean Seismological Center ay may testimonya ng saksi na nagsasabing ang lindol ay “naramdaman sa Medan,” humigit-kumulang 120 kilometro sa hilagang-silangan ng sentro nito.
Ang Indonesia ay nakararanas ng madalas na seismic at volcanic activity dahil sa posisyon nito sa Pacific “Ring of Fire,” kung saan nagbabanggaan ang mga tectonic plate.
Noong Nobyembre 21, isang 5.6-magnitude na lindol ang tumama sa mataong lalawigan ng West Java sa pangunahing isla ng Java, na ikinamatay ng 602 katao.
Karamihan sa mga biktima ay namatay nang gumuho ang mga gusali o dahil sa pagguho ng lupa.
© Agence France-Presse