Sunod-sunod na kaso ng bullying sa mga eskuwelahan iimbestigahan na ng Senado

0
SENATE LOGO

Courtesy: Senate FB page

Iimbestigahan na ng Senate Committee on Basic Education, ang mga kaso ng sunod-sunod na bullying sa mga eskuwelahan.

Naaalarma si Sen. Sherwin Gatchalian sa nangyayaring mga kaso ng pambu-bully na naging mas bayolente, dahil kinukunan ng video at ipino-post sa social media.

Sa pagdinig, ay isa sa mga ipinatawag ng komite ang mga opisyal ng Bagong Silangan High School sa Quezon City, kung saan nakunan ng video ang pagsabunot at pananakit ng kaniyang kaklase sa isang Grade 8 student habang nasa loob ng classroom.

Tutukan ng imbestigasyon ang pagbalangkas ng mga patakaran sa mga paaralan at ang tugon ng mga guro, mga magulang at ng pamahalaan sa nangyayaring bullying incidents.

Kailangan din aniyang busisiin kung sa pat ang bilang ng mga guidance teacher o guidance counselor na na silang dapat napupuntahan ng mga biktima ng bullying.

Pag-aaralan na rin ng komite ang rekomendasyon na kabitan ng cctv ang mga silid-aralan para maagapan ang mga ganitong kaso.

Bukod sa batang sinabunutan ng mga kaklase, isang Grace 8 student sa Moonwalk, Paranaque City ang namatay dahil sa pananaksak ng kaniyang kaklase, na ginawa habang nasa loob sila ng silid-aralan, na nag-ugat din umano sa pambu-bully.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *