Sunog sa Caloocan at Pasig City kagabi, naitala
Magkakasunod na sunog ang naganap kagabi sa Caloocan at Pasig City.
Isang apartment building sa Barangay 159, Bayanihan St., Baesa ang tinupok ng apoy sa Caloocan City.
Nagsimula ang sunog 11:18 kagabi na umabot lamang sa unang alarma.
Ang apartment na pagmamay-ari umano ng isang Arlyn Sandaya ay may tatlong units na pawang okupado ng tatlong pamilya.
Ayon kay Senior Inspector Christopher Pila ng Caloocan BFP, pawang gawa sa light materials ang bahay pero mabuti na lamang at may firewall at semento ang iba pang bahay kaya naiwasang kumalat ang sunog.
Aabot sa 150,000 piso ang halaga ng mga natupok na ari-arian.
Wala namang naitalang nasugatan o namatay sa sunog.
Samantala, sumiklab din ang sunog sa isang warehouse sa Pasig City.