Sunog sa Manila Central Post Office isang aksidente – BFP
Aksidente ang sanhi ng pagkasunog ng Manila Central Post Office sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
Ito ang resulta ng pagsisiyasat na ginawa ng Bureau of Fire Protection kasabay ng pagdedeklarang sarado at naresolba na ang imbestigasyon sa insidente.
Sa statement na inilabas ng Philippine Postal Corporation (PHILPost), sinabi nito na nakuha na nila ang fire clearance certificate na inilabas ng BFP.
Nakasaad sa statement ng PHLPost, “The Philippine Postal Corporation (PHLPost) already got hold of the fire clearance certificate issued by the BFP saying that the fire originated at the southern part of the basement, more particularly at the Mega Manila Storage Room (GSS) where office supplies, thinners, paint cans where piled in close proximity to the car batteries stored inside the room.”
Sa report ng BFP, nakadagdag sa heat build-up ang combustibility ng load contents at kulob na set-up ng lugar sa sunog.
“On the determined cause of fire, it has been established based on the pieces of evidence gathered, that the statement of the witness and the result of the laboratory examinations, that the cause of fire is attributed to sudden self-discharge of car battery (sulfation) resulting to thermal run-away, causing sudden build-up of heat and pressure and eventually cause the explosion.”
“Moreover, the presence of the internal short circuit, the hydrogen and the volatile gases contained in the battery and the presence of oxygen as the oxidizing agent initiated the ignition. The contributory factors and the combustibility of materials fueled and sustained the ignition sequence,” pahayag pa ng PHLPost.
Agad na nagsagawa ng pagsisiyasat ang BFP sa nasunog na istraktura na itinuturing na National Historical Landmark.
Sinabi ni Postmaster General Luis Carlos, na welcome sa kanila ang resulta ng pagsisiyasat at sa ngayon ay magtutuon naman sila sa recovery at rehabilitasyon ng iconic building.
Weng dela Fuente