Sunog sa siksikang piitan sa Indonesia, 41 patay
Apatnapu’t isang bilanggo ang nasawi habang dose-dosenang iba pa ang nasaktan, matapos masunog ang isang overcrowded na piitan sa Indonesia.
Nangyari ang sunog kaninang alas-3:00 ng madaling araw, habang natutulog pa ang karamihan sa mga ito.
Ang sunog ay tumupok sa isang bloke ng piitan, kung saan nakakulong ang mga bilanggo na ang kaso ay may kaugnayan sa droga.
Ayon kay Jakarta police chief Fadil Imran . . . “Forty-one inmates died, eight were badly injured and 72 others sustained minor injuries.”
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog sa Tangerang Penitentiary na nasa labas lamang ng Jakarta, ngunit may hinala silang electrical fault ang sanhi nito.
Ayon kay Imran . . . “I have checked the scene. Based on early observation, it is suspected (the fire) happened because of a short circuit.”
Sa website ng piitan, higit dalawang libo ang mga bilanggong nakakulong doon, tatlong ulit na mas marami kaysa sa kapasidad nito.
Ayon kay penitentiary directorate general spokesperson Rika Aprianti, ang bloke kung saan nagmula ang apoy ay may maximum capacity lamang na 40, subalit ang mga nakapiit doon ay 120.
Pangkaraniwan na sa mga piitan sa Indonesia ang overcrowded at unsanitary conditions na may halos 270 libong mga preso, at madalas na nagkakaroon ng jailbreaks.