Suns pinangunahan ni Durant sa NBA win kontra Detroit
Umiskor si Kevin Durant ng 41 puntos upang pangunahan ang Phoenix Suns kontra Detroit, at dating coach ng Suns na si Monty Williams.
Nagdagdag din si Durant ng five assists, four rebounds, three blocked shots at isang steal para palakasin ang Suns at daigin ang Pistons sa score na 120-106.
Sinabi ni Suns coach Franck Vogel, “He was terrific, scored the ball every way you can, really wants it. Just a really terrific performance. He’s really good at basketball and he showed it.”
Nalamangan ng Suns ang Detroit sa bawat quarter, habang nag-ambag din si Eric Gordon ng 21 points at eight assists para sa Phoenix.
Ayon kay Durant, “We’re excited because we finally got a win.”
Pinangunahan naman ni Cade Cunningham ang Detroit sa pamamagitan ng 26 points sa unang regular-season matchup sa pagitan ng Suns at ng dati nilang coach na si Williams.
Matapos masibak ni Williams bilang coach ng Suns kasunod ng isang second-round playoff exit sa last season, kinuha siya ng Detroit para sa anim na taong kontrata na nagkakahalaga ng $78.5 million.
Ang Suns ay naglaro nang wala si Bradley Beal, dahil sa back spasms, at Devin Booker, dahil naman sa calf strain.